Pakwan Carving & Cooking Showdown
ALYANSA NG KABATAAN TUNGO SA IKAKAUNLAD NG BARANGAY YOUTH ORGANIZATION
AKTIB YOUTH: "MISYON"
-Tuklasin at hubugin ang talento ng mga miyembro ng samahan.
-Itaguyod ang pagpapahalaga sa edukasyon, kalusugan at kaayusan sa pamumuno. -Makipagtulungan sa samahan sa Barangay sa gawaing kapaki-pakinabang sa pamayanan. -Ilayo ang mga kabataan sa pinagbabawal na gamot, mga bisyo at masamang gawain. -Ilapit ang kabataan para sa Kalikasan. AKTIB YOUTH: "PANANAW"
Ang Alyansa ng Kabataan Tungo sa Ikakaunlkad ng Barangay Youth Organizattion (AKTIB) ay isang matatag na samahan ng mga kabataan na humawaran sa barangay, tumutupad sa mga gawaing humuhubog ng talento at kakayahan na maging kapakipakinabang sa pamayanan at kapuri-puri sa buong bayan.
AKTIB YOUTH: "DESKRIPSYON"
Ang grupong ito ay magsasagawa ng mga aktibidades, program at mga proyekto kabalikat ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Ibaba Bagumbungan upang patunayan na ang mga kabataan ngayon ay may saysay sa lipunan at may maitutulong sa kanilang munting bayan. Ito ay magsisilbing patunay na hindi pa huli ang lahat upang patunayan na ang mga kabataan ay hindi pa naliligaw ng landas. Ang kabataan ay tunay na pag-asa ng bayan tulad ng sinabi ni Dr. Jose P. Rizal, sa lipunan o sa bayan.
Ang mga miyembro ng organisasyong ito ay may tungkuling gagampanan upang maging mas malinis at kaaya-ayang tingnan ang kapaligiran. Mayroon ding mga aktibidad na gagawin ang organisasyon upang mahasa ang kakayahan ng mga kabataan at maging kapakipakinabang sa pamayanan. PROVISION OF SCHOOL SUPPLIES |
TANIMAN NI JUAN: "AKTIB"Outreach Program TsinelasKABATAAN: Kalikasan ay Kayamanan |